Wednesday, October 14, 2009

Hi, I want to share my experience in “motorcycle gang”.

Para maging aware din kayo especially sa taga noveleta at kawit.
Para hinde kayo mabiktima katulad ko kase walang pinipiling oras at lugar
ang mga taong to.

Last Sunday, mga 11 am, habang nag aabang kami ng sasakyan sa may kanto ng Jordan Estates sa may noveleta. May dalawang lalake na nakamotor ang nagtanong samin.

Holdaper: “Anong Subdivision yan?”
Biktima: Jordan ho,
Holdaper: san ba yung CHAPEL HOMES”
Biktima: hinde ho kami pamilyar dyan, san po bang lugar yan?
Holdaper: Noveleta
Biktima: ay papuntang kawit po ito eh balik na lang po kayo sa kanto nadaanan nyo tas don na lang po kayo magtanong.

Tapos bigla na nila nilabas yung baril nila at kinuha ang cp ko at bag. At pilit kami pinatalikod at pinaglakad kapag hinde kami sumunod babrilin kami. Wala na kaming nagawa sobra sila ang lalaki ng katawan nila ayaw nila magbanat ng buto.

“Sa panahon ngayon wala na silang pinipiling oras at lugar kaya mag iingat kayo.” Kapag meron magtatanong sa inyong nakamotor o hinde ninyo kilala. Layuan nyo na lang mas mabuti ng mag ingat! Dahil wala silang awa!!! Wala silang konsensya… “